Sunday, February 17, 2008

KALAYAANG PINAGLABAN, NASAAN NA?


K-A-L-A-Y-A-A-N, ang salitang umubos ng napakaraming dugo, pawis, at luha,. Ang salitang kumuha ng napakaraming buhay. Ito ang pinaglaban ng ating magigiting na mga bayani. Tayo'y pinahirapan, inalipusta, at pinagmalupitan. Ngunit kahit ganon, ang ating mga ginagalang na mga bayani ay lumaban ng lumaban pa rin. Inialay at binuwis nila ang kanilang mga buhay para lamang sa atin. Kahit na sila pa'y hinuli, binaril, ginamitan ng iba't ibang pamamaraan ng pagpatay, at ang ilan pa'y pinugutan pa ng ulo. Pikit mata nila itong tinanggap para lamang sa ikakabuti natin at ng ating bansa. Nakakalungkot mang isipin , halos hindi na kilala o nakalimutan na yata sila. Sila na nagbigay ng kalayaan sa atin at sa ating bansa. Sa panahon natin ngayon, sa rebulto, estatwa bantayog at mga imahe sa mga pera na lamang sila makikita. Hindi natin nakita at nasaksihan ang pagtatanggol na kanilang ginawa para lamang sa ikakabuti ng ating bansa. Halos buong buhay nila ay inilaan para lamang sa atin. Sana sa panahon natin ngayon, maisip naman natin ang ginawa nilang para sa atin. pahalagahan sana natin ang sakripisiyong ginawa nila. At mapagisip-isip natin na ang KALAYAANG PINAGLABAN nila ay pahalagahan natin.

No comments: